Monday, April 12, 2010

G.)Pagsasaliksik tungkol sa mga pangkat - etniko

G.)Pagsasaliksik tungkol sa mga pangkat - etnikong ito:
A.) Badjaos ng Sulu (Sulu Sea)
B.) Cordillera Tribes (Chico River)
C.) Negritos (Boracay Sea)
Pwedeng gamitin ang mga websites na ito: (Kung walang Internet, papuntahin ang mga mag-aaral sa silid-aklatan).

http://missionaries.claret.org/docs/badjaos.html (Mission to the Badjaos)

http://www.aynaku.net/2006/06/03/negritos/ (Negritos)

http://www.cpaphils.org/campaigns (A History of Resistance: The Cordillera Mass Movement)

http://www.bulatlat.com/main (Cordillera Tribes Heighten Struggle Against Large-Scale Mines in Chico River Watersheds


H.)Pagsagot ng isang Data Retrieval Chart

Bibigyan ang mga mag-aaral ng isang Data Retrieval Chart na sasagutan nila pagkatapos nagsaliksik sa mga pamayanang etniko na napili. Tingnan ang Attachment No. 5 Data Retrieval Chart.
Pamprosesong Tanong:
1.)Saan mahahanap ang mga pamayanang ito?
2.)Paano sila namumuhay?
3.)Anu-ano ang mga pagkakapareha at pagkakaiba nila?
4.)Paano sila naaapektuhan sa kanilang kapaligiran?
5.)Paano sila naapektuhan ng mga pagbabagong dulot ng“kaunlarang
pampubliko“?
6.)Anu-ano ang mga naging problema nila?
7.)Sang-ayon ka ba sa mga pangyayaring ito? Bakit?
8.)Paano mo maiiugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang
pamayanang Pilipino sa mga halimbawang ito? (Binalikan ang Essential
Question)
Pagbabahagi ng mga indibidwal na paglalahat tungkol sa mga mahahalagang natutunan.

1 comment:

  1. ma'am,bakit wala po kaming soft copy sa social studies sa website na ibinigay ng fape during our seminar last may 17,2010..

    ReplyDelete